Bunga

Disyembre 3, 2009

Hindi ko alam kung ano ang tawag dito pero malamang marami ang pamilyar sa puno nito.

Paru-paro

Disyembre 3, 2009

Sa dami ng bulaklak sa Baguio, imposibleng hindi ka makatagpo ng mga paru-paro. Ilang lang 'to sa mga nakita namin.

Pusang elbi

Disyembre 3, 2009

Kuha sa chapel paakyat ng NAC sa UPLB

Kalam

Disyembre 3, 2009

Batang kumakain ng tupig sa may gasolinahan papuntang Dagupan, Pangasinan. Nasa loob ako nito ng sasakyan kaya hindi nya ako napapansin.

Pusang gala

Disyembre 3, 2009

Pusa sa main library ng UP Diliman

Sipag

Disyembre 3, 2009

Sana lang kasing sipag ako ng langgam na 'to

Kuya Sale

Disyembre 3, 2009

Bajau na nakilala namin sa Lobo, Batangas. Sya ang ang tatay ni Salbarate. Binabaybay nila ang dagat gamit lang ang isang maliit na bangka. Mula Mindanao, napadpad sila ng Luzon.

Salbarate

Disyembre 3, 2009

Isang paslit na Bajau na nakadaupan namin sa Lobo, Batangas. Sabi ng tatay nya, hindi pa daw mahusay sumisid si Salbarate dahil 5 dipa pa lang ang kaya nyang sisirin. Hindi pa ba magaling yun?

Cacao

Disyembre 3, 2009

Mga naka-display na buto ng cacao sa Xocolat

Parking

Disyembre 3, 2009

Kuha sa isa sa mga parking space sa Ortigas